Pulis na nagpaputok ng baril habang nasa okasyon, nahaharap sa kasong administratibo at kriminal
Pulis na nagpaputok ng baril habang nasa okasyon, nahaharap sa kasong administratibo at kriminal
Kinasuhan na ng administratibo at kriminal ang isang pulis na nagpaputok ng kanyang baril sa naganap na selebrasyon ng isang binyag sa Barangay Los Amigos, Tugbok District, Davao City noong Hunyo 15, 2025.

Ito ang kinumpirma ni Colonel Hansel Marantan, acting direktor ng Davao City Police Office sa isang panayam ng mga miyembro ng media Martes ng umaga, Hunyo 17.

Ang suspek ay nakilalang si Police Staff Sergeant Junie Alde Cabaylo na naaresto ilang minuto matapos ang insidente na nangyari  alas 7 ng gabi noong Hunyo 15. Lasing umano ang pulis na sinasabing may kaalitan na isang bisita na sibilyan.

Ang insidente ay nagdulot ng takot at alarma sa mga dumalo.

Ayon sa opisyal, agad na nahuli si Cabaylo at  nakuha sa kanyang possession ang issued service firearms nito na  glock 17, magazine, at sampung bala.

Ayon kay Marantan, "we  filed administrative and criminal charges against him, drug test and forensic at pinarevoke lahat ng armas.”

Sinabi ni Marantan sa isang pahayag, “we are committed to the highest standards of discipline, professionalism, and accountability.”

Colonel Hansel Marantan, hepe ng Davao City Police Office

What's your reaction?

Facebook Conversations