Sta. Cruz LGU, naglaan ng P20M na subsidy, relief assistance sa mga sektor na apektado ng taas na presyo ng langis
Sta. Cruz LGU, naglaan ng P20M na subsidy, relief assistance sa mga sektor na apektado ng taas na presyo ng langis
Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz, Davao del Sur ng halagang P15-20 million na initial supplemental budget para sa agarang roll-out ng subsidy at relief assistance programs para sa mga sektor nang komunidad na direktang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis epekto ng patuloy na hidwaan sa Middle East.

Ayon kay Sta. Cruz Municipal Vice Mayor Attorney Charlotte Gallego sa press conference nitong araw ng Huwebes, Abril 16,2026 na bigyan ito ng prayoridad ng Sangguniang Bayan na maisalang sa komite at para maendorso sa plenaryo para sa agarang pag-apruba.

Inaasahan na maaaprubahan ito ng konseho sa susunod na buwan matapos ipinag-utos ni Mayor Nelson "Tata" Sala sa Local Finance Committee na madaliin o bilisan ang pagsumite nito sa nasabing panukalang supplemental budget sa Sangguniang Bayan.

Ayon kay Sala kabilang sa makakatanggap ng ayuda ay ang mga tricycle drivers na hindi na nakakapag-renew ng kanilang mga prangkisa dahil sa hirap ng buhay.

Nagbigay din ng direktiba si Sala na pangangailangan na mai-update ang Annual Investment Plan para mapabilang ang mid-term subsidy program na nagkakahalaga ng P50 million sa pamamagitan ng Municipal Development Council.

Ayon kay Gallego, lahat ng sektor na apektado ng taas na presyo ng petrolyo ay mabibigyan ng tulong batay na din sa utos ng alkalde ng lungsod. 

Attorney Charlotte Gallego, Municipal Vice Mayor ng Sta. Cruz, Davao del Sur

Sta. Cruz Municipal Vice Mayor Attorney Charlotte Gallego 

What's your reaction?

Facebook Conversations