Mga kinasuhan na lumabag sa COVID-19 protocols sa Davao City, umabot na sa 17,048 indibidwal
Mga kinasuhan na lumabag sa COVID-19 protocols sa Davao City, umabot na sa  17,048 indibidwal
DAVAO CITY – Umabot na sa 17,048 na mga indibidwal na ang kinasuhan sa lungsod dahil sa paglabag sa minimum public health standards kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson Maj. Teresita Gaspan sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing.

Ayon kay Gaspan na kabilang sa mga nilabag ng mga nasabing indibidwal ang curfew, liquor ban, hindi pagsusuot ng facemask at hindi pagsunod sa physical distancing.

Sinabi nito na ang nasabing bilang ay cumulative record ito mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong Marso 15, 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ni Gaspan na magpapatuloy ang kanilang pagpapatupad ng minimum public health standards kontra COVID-19 dahil nasa gitna pa rin ng pandemya ang buong mundo.

What's your reaction?

Facebook Conversations