Unang araw ng Face-to-Face classes, umarangkada na sa Davao Region
Unang araw ng Face-to-Face classes, umarangkada na sa Davao Region
Binuksan na simula ngayong araw (Nobyembre 15) ang pilot run ng Face to Face classes sa walong paaralan dito sa Davao Region.

Walong mga paaralan ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) 11 na makapagsagawa ng in-person classes dito sa rehiyon. 

Kabilang sa nagbukas ng Face to Face classes ay ang Clib Primary School sa bayan ng Hagonoy; Nodilla at Tacub Elementary School sa bayan ng Kiblawan na pawang nasa Davao del Sur.

Sa Davao de Oro naman, ang Bares Elementary School sa New Bataan; Parasan Integrated School ng Pantukan,  Lower Panansalan Elementary School, Maugat Elementary School; at Digaynon Integrated School ng Compostela. 

Sa kabuuan, mayrong 100 public schools sa bansa ang pinahintulutang makapagsagawa ng pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Tatagal lamang ng dalawang buwan ang Face-to-Face classes na magtatapos hanggang sa Enero a-kinse.

Makikita sa larawan kung gaano kahanda ang Clib Primary School sa unang araw ng Face-to-Face classes. Mayroon itong 22 mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 2, subalit pito munang estudyante ang pinayagang makapasok ngayong araw.

Larawan: Jay Lagang ng PTVNewsMindanao

What's your reaction?

Facebook Conversations