SEC Davao, nagpapaalala ukol sa Tasking and Recharging Scam
SEC Davao, nagpapaalala ukol sa Tasking and Recharging Scam
Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) Davao sa publiko laban sa tasking and recharging scam - isang modus na nagpapangako ng madaling kita kapalit ng simpleng online na gawain, ngunit sa likod nito ay isang mapanlinlang na sistema ng pananamantala.

May ilang ulat na rin sa rehiyon kaugnay ng ganitong klase ng scam, kaya’t pinag-iingat ang lahat na huwag basta-basta magpapadala ng pera sa mga kahina-hinalang online na trabaho.

Sa scam na ito, hinihikayat ang mga tao na sumagot ng mga survey o magsagawa ng iba’t ibang online na “trabaho” kapalit ng pangakong kita.

Ngunit bago makatanggap ng bayad, kinakailangan munang magbayad ng “puhunan” o “fee” - isang taktika upang maengganyo ang mga biktima na maglagay ng mas malaking halaga ng pera.

Ang ganitong sistema ay kahalintulad ng isang Ponzi scheme, kung saan ang mga bagong miyembro ang nagpopondo sa kita ng mga naunang sumali. Kapag wala nang bagong sumasali, bumabagsak ang sistema at nalulugi ang karamihan ng mga kalahok.

Maging mapanuri at huwag magpaloko sa mga pangakong “easy money”. Bago mag-invest, #CheckWithSEC!

What's your reaction?

Facebook Conversations