132
views
views
Nakapagtala ang Davao City Fire District ng 11 fire incidents sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa tagapagsalita ng Davao City Fire District Marso 16, Fire Senior Inspector Frances Marie Sendrijas, ang 11 fire case ay naitala lamang kahapon, Marso 16.
Apat sa 11 na sunog ay nagmula sa rubbish o mga basura. Dalawa ay house on fire habang may sunog din sa garbage at grass on fire.
Basi sa consolidated Fire Incidents mula sa Enero hanggang Marso 2026, umabot na sa 201 ang kaso sa sunog sa Davao City.
Sa buwan ng Enero nakapagtala ang DCFD ng 78; Pebrero 57; at 66 sunog mula sa Marso uno hanggang Marso 16.
📸Davao City Fire District
Facebook Conversations