Sulu, naitala ang pinakamapayapang eleksyon sa buong kasaysayan: militar
Sulu,  naitala ang pinakamapayapang eleksyon sa buong kasaysayan: militar
Inihayag ng kasundaluhan na naitala sa Sulu ang pinakamapayapang eleksyon noong Mayo 9 sa buong kasaysayan ng lalawigan.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) Sulu 11th Infantry "Alakdan" Division Commander Major General Ignatius Patrimonio, malaki ang ipinagbago ng security landscape sa Sulu. 

Dagdag nito, zero election related incidents ang naitala sa lalawigan sa araw ng eleksyon, at naging “smooth” at  “on schedule” ang situasyon sa lahat ng lugar kung saan naka-deploy ang mga tropa ng militar. 

Anya, bagaman mayroong naitalang n3 “minor incidents” ng “suntukan”, subalit agad naman itong narespondihan ng militar at pulis at na-“stabilize” ang sitwasyon sa mga lugar na ito. 

Ang Joint Task Force Sulu ay nag-deploy ng  mahigit 3,000 sundalo at 125 reserve troops para sa election duty sa nabanggit na lalawigan. 

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat  si Patrimonio sa lahat ng tauhan ng JTF Sulu at mga partner stakeholders nito dahil sa kanilang pagsisikap na  maging matagumpay ang eleksyon sa Sul

Siniguro ng kasundaluhan at kapulisan na maging mapayapa ang eleksyon sa Barangay Anuling, sa bayan ng Patikul, Sulu. Larawan mula sa Joint Task Force Sulu
Mga miyembro ng Kalasag troopers na na-assign sa Saldang Elementary School ng Parang East District, Parang Sulu. Larawan mula sa Joint Task Force Sulu

What's your reaction?

Facebook Conversations