DOH, sinang-ayunan ang mandatory vaccination kontra COVID-19.
DOH, sinang-ayunan ang mandatory vaccination kontra COVID-19.
By Ruth Palo

Binigyang diin ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi makakamit ang target population protection sa buong bansa, kung may mga sektor na hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

Dahil dito, sinabi ni Vergeire na pabor ang ahensya na gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga kwalipikadong maturukan.

Aminado rin si Vergeire na kailanganang isang batas, bago maging obligado ang lahat na magpaturok ng bakuna.

Anya, voluntary pa rin kasi ang pagbabakuna hanggang sa ngayon, dahil sa Emergency Use Authorization pa lamang ang naibigay para magamit ang bakuna.

Huling baraha lamang anya ng gobyerno ang pagiging mandatory vaccination, para maitaas ang vaccination rate, at ma-obliga na ang lahat ng kwalipikado na mabigyan ng dagdag proteksyon, laban sa COVID-19.

What's your reaction?

Facebook Conversations