
views
Ito ay kaugnay pa rin ng nagbabadyang krisis sa supply ng pagkain at pagtaas ng mga pangunahing bilihin tulad ng manok, itlog, asukal, at pandesal.
Sa pahayag ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list Representative Nicanor Briones, malaki ang magagawa ng Pangulo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) para madoble sana nito ang budget upang buhayin muli ang mga nagsarang nag-aalaga ng baboy at manok na tinamaan ng african swine fever at avian flu.
Sa panig ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) president Danilo Fausto, sinabi nito na ang pagdedeklara ng state of emergency ay magpapahintulot sa bagong administrasyon na bigyang kapangyarihan ang mga LGU na maglaan ng bahagi ng kanilang internal revenue allotment upang mapabuti ang kanilang produksyon.
Ayon naman kay Senator Grace Poe, magiging epektibo lang ang pagdedeklara ng state of emergency sa sektor ng agrikultura kung magkakaroon ng absolute transparency sa mga hakbang na gagawin.
Binigyang diin nito na kailangan maging maingat sa ganitong mga deklarasyon dahil maaaring abusuhin ito ng ilan para makapag-angkat ng walang habas na magpapalala lang lalo sa kalagayan ng agricultural sector sa Pilipinas.

Facebook Conversations