Sextortionist, huli sa isang hotel sa Pasig
Sextortionist, huli sa isang hotel sa Pasig
Timbog ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime group (ACG) sa isinagawang entrapment Operation ang isang sextortionist sa isang hotel sa Pasig City,Martes (Hulyo 19).

Kinilala  ni Brigadier General Bowenn Joey Masauding, officer-in-charge ng ACG  ang suspek na si John Calubaquib Pacana.

Batay sa reklamo ng 19 anyos  na dalagang biktima, nakilala niya ang suspek noong Hulyo 11 sa pamamagitan ng isang Social media networking site, at regular na naka-chat sa telegram app. 

Ayon sa kanya, inalok siya ng suspek ng P25,000 para sa “one night stand” at pinangakuan pa ng P3 million at condominium unit upang makumbinsi ang biktima na magpadala ng hubad na larawan. 

Dagdag ng biktima, nitong Hulyo 14 ay nakatanggap siya ng mensahe sa isang Facebook messenger account na  “Loannes Salazar” at nagbantang ilalabas ang kanyang mga larawan.

Nagporsige ang biktima na i-report sa kapulisan ang pangyayari ng magbanta na umano ang suspek na papatayin ang kanyang pamilya kung hindi siya papayag makipagtalik. 

Humingi kaagad ang biktima ng tulong sa Quezon City District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) at naglunsad ng entrapment operation noong Hulyo 15  na nagresulta sa matagumpay na pagkahuli sa suspek. 

Paalala ni Masauding sa publiko, huwag basta-basta maniniwala sa sinuman sa social media at iwasang magpapadala ng mga sensitibong larawan sa  online, dahil maaring gamitin itong pang black-mail ng mga extortionist.

Larawan mula sa PNP-ACG

What's your reaction?

Facebook Conversations