
views
Sinabi ni MRRD-NECC National Spokesperson Undersecretary Francisco Buan Jr. mas angkop at kwalipikado umano si Vice President Sara sa DND na ayon sa kanya may malakas na kalooban, karakter, at personalidad.
Naniniwala ang opisyal na sa ganoong paraan natitiyak ang seguridad ng bansa, kapakanan ng mamamayang Filipino, at mapangalagaan ang pangalan at pamana ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito umaapela ang grupo kay Presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos Jr na ibigay sa kanyang bise-presidente ang appointment bilang kalihim ng DND.
Ang MRRD-NECC ay isa sa mga grupong nagtulak kay Pangulong Duterte na tumakbo sa pagkapangulo noong 2016.
Ang nasabing organisasyon din ang sumuporta kay VP Sara at sa kanyang mga pro-administration candidates noong nakalipas na Mayo 9 na halalan.
Noong nakaraang linggo, itinalaga ni Marcos si Sara na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) na tinanggap naman ng presumptive vice president.

Facebook Conversations