
views
Ang pahayag ni Azurin ay kanyang ginawa sa gitna ng hamon ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista na magbitiw nalang ito sa pwesto kung mananatiling malamya ang PNP laban sa mga kriminal.
Bwelta ni Azurin, kapag namatay ang kriminal sa operasyon ng pulis, aakusahan sila ng rubout; at pag hinuli naman at ikinulong, sasabihin na malamya ang pulis.
Ayon sa PNP chief, hindi kailangang may palaging mamatay sa operasyon ng pulisya.
Aniya, kung magkakaroon ng engkwentro, ay natural na nangyayari yun at hindi kailangan na palabasin na nanlaban ang suspek.
Giit ng opisyal, nakalagay sa Bibliya na ang lahat ng tao ay may pagkakataon na magbago, kaya ayon kay Azurin gagawin ng kapulisan ng tama ang kanilang trabaho.
Ito ay alinsunod sa naging kautusan ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) Benjamin Abalos Jr. na kailangang manaig pa rin ang “rule of law”.

Facebook Conversations