Reclusion perpetua para sa mga sangkot sa child pornography at online sexual exploitation
Reclusion perpetua para sa mga sangkot sa child pornography at online sexual exploitation
Isang panukalang batas ang inihain ni Quezon City representative PM Vargas na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga grupo at sindikato na sangkot sa child pornography and online sexual exploitation.

Ang House bill 4116 “Anti-Child Pornography and Online Sexual Exploitation Act,"  ay magpapataw ng parusang  reclusion perpetua at maximum fine na 2 million pesos sa mga lalabag.

 Naniniwala ang mambabatas  na napapanahon ang nasabing panukala upang  tugunan ang mahirap na sitwasyon na hinaharap ngayon ng mga kabataan.

 Naging vulnerable ang mga kabataan laban sa mga sexual predators and sindikato na naglipanan sa mga online sites, ayon sa mambabatas.

 Tinukoy din ni  Vargas ang 2017 report ng  United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na sa bawat walo sa sampung batang-pinoy ay nanganganib  na maabuso online.

Kung maisabatas  umano ito magsisilbi itong legal weapon ng pamahalaan laban sa masasamang gawain.

What's your reaction?

Facebook Conversations