
1,061
views
views
Patuloy na nakabantay ang mga tropa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa People Power Monument at Edsa Shrine.
Lunes (Mayo 9) pa lang nag-deploy na ng mga tauhan ang PNP at AFP sa nasabing lugar bilang bahagi ng contingency plan nito para sa post election scenario.
Naglatag ng military tent ang mga sundalo at nagpwesto ng 6x6 truck habang ang mga pulis naman ay may desk na itinayo.
Nauna nang sinabi ni PNP Officer in Charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. na kanila ng inaasahan ang pagpro-protesta ng mga supporter ng mga natalong kandidato sa halalan kaya naghanda sila ng contingency plan.
Ayon kay Danao, mananatili naka-alerto ang tropa ng pamahalaan hanggang sa mailuklok sa pwesto ang mga nagwagi sa nakalipas na eleksyon.



Facebook Conversations