PNP, siniguro ang seguridad ng mga kandidato sa pagsisimula ng lokal na kampanya
PNP, siniguro ang seguridad ng mga kandidato sa pagsisimula ng lokal na kampanya
Tiniyak ng hepe ng Philippine National Police (PNP) General Dionardo Carlos na preparado na ang seguridad para sa mga kandidato na tumatakbo sa mga lokal na posisyon sa pagsisimula ng kanilang pangangampanya sa Marso 25.

Ayon kay Carlos, kabilang sa mga bibigyan ng security detail ng PNP ang mga incumbent na kandidato at yung may mga kumpirmadong banta sa kanilang buhay. 

Anya, kanila na lang hinihintay ang report sa isinagawang threat assesment sa mga kandidatong humingi ng security escort. 

Sinabi ni Carlos na limitado lang sa dalawang pulis ang kanilang ibibigay na escort sa mga kandidato na may approval ng Commission on Elections (Comelec).

Siniguro rin ng hepe ng PNP ang sapat na deployment ng pulis sa mga campaign rally upang magbigay  seguridad.

Ang hepe ng pambansang pulisya General Dionardo Carlos

What's your reaction?

Facebook Conversations