469
views
views
Handa ang bansang Piipinas na tumanggap ng mga Ukrainian na lumilikas sa kanilang bansa sa gitna ng pananakop ng bansang Russia.
Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pa naman umanong mga Ukrainian refugees ang nagpa-abot ng intensyon na magpa-kanlong sa Pilipinas kung sakaling lumala amg sitwasyon sa kanilang bansa.
Siniguro ng kalihim na kung sakaling magkaroon man ng mga nagnanais na kumuha ng asylum sa bansa, dadaan sa pag-aaral ang kanilang aplikasyon batay sa itinatakda ng ating batas.
Kabilang sa mga batayan dito ay ang nilagdaang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag ng Inter-Agency Committee on the Protection of Refugees, stateless persons, and asylum seekers.
Facebook Conversations