550
views
views
May bagong dalawang T-129 Helicopters at isang C-295 medium lift aircraft ang Philippine Air Force matapos itong tinanggap Miyerkules (Abril 6) ng commanding general nito na si Lieutenant General Connor Anthony Canlas Sr.
Ang turnover ceremony ay ginanap sa 250th Presidential Airlift Wing Hangar sa Villamor Air Base, Pasay City at naging panauhing pandangal si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Maliban kay Lorenzana, sumaksi rin sa turnover sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. Gen. Erickson Gloria; Ambassador of the Kingdom of Spain Jorge Moragas Sanchez, at Ambassador of the Republic of Turkey Dr. Ismail Demir.
Napag-alaman na ang mga helicopter ay dumating sa bansa noong Marso 9 at ang eroplano ay dumating noong Marso 28.
Dahil sa mga bagong sasakyang panghimpapawid na gagamiting pang-suporta sa iba’t ibang misyon, naniniwala si Canlas na malaking tulong ito sa pag-angat ng kapabilidad ng Philippine Air Force.
Larawan: Philippine Airforce
Facebook Conversations