Pangulong Duterte, imbitado sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte
Pangulong Duterte, imbitado sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte
Imbitado sa inagurasyon nin vice president elect Sara Duterte sa June 19 ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito mismo ang kinumpirma ng tagapagsalita ni VP Sara na si Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco.

Ayon kay Frasco, bukod kay Pangulong Duterte, inimbitahan din aniya sina outgoing vice-president Leni Robredo, President-elect Bongbong Marcos at ang mga nagdaang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

Una nang sinabi ng susunod na bise-presidente ng bansa na isasagawa ang kanyang panunumpa bilang 15th vice president ng Pilipinas sa San Pedro Square sa Davao City.

Si Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang mag-a-administer ng kanyang oath of office.

Bago ito ay magkakaroon muna ng thanksgiving mass, na susundan ng inauguration program at magtatapos sa isang Musikahan-Pasasalamat Concert.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga dumalo sa oathtaking na makapagpalitrato kasama si VP Sara.

What's your reaction?

Facebook Conversations