
views
Sinabi ni Romualdez sa isinagawang luncheon kasama ang nasa mahigit 40 na kongresista sa ilalim ng PDP Laban Huwebes (Mayo 19), ang pagpapaliban ng BSK elections ay mangangahulugan ng P8.141 billion na savings sa pamahalaan.
Ani Romualdez na siyang napipintong maging house speaker sa susunod na Kongreso ang nasabing halaga ay malaking tulong para magamit sa pandemic response.
Naniniwala ang mambabatas na kailangang kagyat na maipada ang panukala dahil sa Disyembre na nakatakdang ganapin ang eleksyon para sa SK at Barangay.
“Yung po ang isang hiling ng mga baranggay chairpersons na na-meet natin dun sa liga ng baranggay. We shall consider that, if that will be taken up dapat immediately,” ayon kay Romualdez.
“Disyembre na po ang baranggay elections. Those will be one of the items sa aming priority agenda for it to prosper prior to it becoming moot. Kaya dapat ilagay din natin yan sa priority list under consideration,” saad ng Kongresista.

Facebook Conversations