534
views
views
Pormal nang inihain Huwebes (Marso 24) ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)), sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board- Region 11 sa Davao City, ang P418 na dagdag sa arawang sahod ng mga mangagagawa sa Davao region.
Layon ng petisyon ng grupo na itaas sa P814 ang minimum wage sa Davao Region mula sa kasalukuyang P396 kada araw.
Ayon kay TUCP President Raymond Democrito Mendoza panahon na upang magkaroon ng umento sa sahod ang mga kawani sa rehiyon onse.
Giit ni Mendoza, sa kasalukuyan nadoble umano ang poverty incidence ng mga pamilya sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon na naitala sa 7.9%.
Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) , sa first semester ng 2021 ang poverty incidence sa Davao del Norte ay nasa 13.6%; 24.5% sa Davao Oriental; 31.7% Davao Occidental; at nasa 21.8% ang poverty incidence ng Compostela Valley.
Facebook Conversations