P4 na pandesal hirit ng samahan ng mga panaderya
P4 na pandesal hirit  ng samahan ng mga panaderya
Gawing P4 ang presyo ng pandesal. Ito ang naging panawagan ng Philippine Federation of Bakers Association (PFBA) sa gobyerno na payagan ang mga community pandesal bakeries na itaas ang presyo ng nasabing tinapay dahil sa tumataas na presyo ng raw materials sa merkado.

Ani Chito Chavez, tagapagsalita ng grupo, “hand-to-mouth operation” ang mga pandesal community bakeries kung saan ang kinita ng panaderya ngayon, ay ipambibili bukas ng mga ingredients para sa tinapay dahil wala naman daw malalaking bodega ang mga ito para pag-stockan ng mga harina, mantika, at asukal.

Dagdag ng grupon, ang mga community bakery ay naniningil ng P2 hanggang P2.50 para sa pandesal na nagpapahirap para manatili sa kanilang operasyon o panatilihin ang kalidad ng kanilang produkto.

Epekto umano sa pagtaas ng bilihin ay ang pagsara sa  20 hanggang 25 porsyento ng kanilang community bakery habang ang ilan ay kinailangang ng pakawalan ang kanilang mga panadero.

Ayon kay Chavez, asahan naman ang pagtaas pa ng presyo ng harina dahil sa patuloy pa ring tumataas ng presyo trigo sa world market hatid ng patuloy na digmaan sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia.

Batay sa ulat ng Philippine Association of Flour Millers Inc. (PAFMIL), 30 percent hanggang 40 percent  ay nagmumula ang supply sa pandaigdigang exportable  ng wheat.

What's your reaction?

Facebook Conversations