
views
Makikinabang sa nasabing loan ang nasa 12,325 active members at 1,257 old-age at disability pensioners na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan noong Abril nitong taong kasalukuyan.
Sinabi ng GSIS, hanggang Hulyo 5, 2022 lamang sila tatanggap ng aplikasyon mula sa mga nagtatrabaho at naninirahan sa lugar na tinamaan ng kalamidad.
Ayon sa GSIS, upang maging kwalipikado sa emergency loan, kinakailangang hindi dapat ang mga ito na naka-leave of absence without pay, walang pending administrative o criminal case, may hindi bababa sa tatlong buwang monthly premium payments sa nakalipas na anim na buwan at may net take-home pay na hindi bababa sa halagang itinatakda ng General Appropriations Act (GAA).
Para naman sa mga old-age at disability pensioners, makakapag-loan sila basta't naninirahan sa calamity area at ang net monthly pension matapos ang availment ay 25 percent ng kanilang basic monthly pension.
Dagdag ng GSIS, aabot ng hanggang P40,000 ang ma-avail na loan para sa mga qualified loan borrowers na may existing emergency loan para bayaran ang loan balance ng maximum net amount na P20,000.
Habang makakahiram naman ng P20,000 ang mga walang existing emergency loan na mga miyembro.
Maaaring bayaran ang emergency loan sa loob ng 36 equal monthly installments na may 6 percent interest rate.

Facebook Conversations