P250-B budget para sa DA, hirit ni Sec Dar para sa administrasyong Marcos
P250-B budget para sa DA, hirit ni Sec Dar para sa administrasyong Marcos
Nanawagan si Department of Agriculture Secretary William Dar sa susunod na administrasyon na dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Dar, dapat triplehin ang budget ng departamento  na hindi bababa sa P250 billion kada taon.

Ayon sa kalihim, ang nasabing pondo  ay sapat para ipatupad ang isang pangmatagalang pananaw sa pagpapaunlad ng industriya ng kalakal, ganon din sa usapin ng imprastraktura, at makamit ang food sovereignty sa bansa.

Umaasa ang kalihim na maiintindihan ng bagong administrasyon ang bigat ng responsibilidad na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan dahil na rin sa mga banta tulad ng maaaring krisis sa pagkain dulot ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Samantala, nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat ang Kalihim si outgoing President Rodrigo Duterte  sa pagiging matatag na kaalyado ng sektor ng agrikultura sa bansa na siyang nagpatupad ng mga pangunahing reporma tulad ng Rice Tariffication Law at Coconut Farmers’ and Industry Trust Fund Act.

Pinuri ng kalihim ang pangulo  para sa matagumpay na pandemic recovery program at pagsisikap na matiyak ang sapat na pagkain sa panahon ng COVID-19 pandemic.

What's your reaction?

Facebook Conversations