views
Batay sa ulat ni ng direktor ng kapulisan sa Zamboanga del Sur, Colonel Diomarie Albarico, nahuli ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at BOC-Dipolog Satellite Office ang isang cargo truck na puno ng 73 kahon ng kontrabando na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.
Nahuli din ang driver nito at ang tatlo pang kasama nito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek bilang sina Joseph Salem Hammaji, 29, driver; Guldam Wahid Ahaddi, 39, truck man; Alkaizer Karah Uddin, 35, truck man; at Fahad Juraid 29, truck man.
Nahuli ang apat nang magsagawa ng inspeksyon ang mga otoridad sa cargo truck na kung saan tumambad sa kanila ang mga kahon-kahon ng iba't ibang uri ng puslit na sigarilyo na walang mga kaukulang dokumento.
Nasa kustodiya na ngayon ng BOC ang mga smuggled item habang ang mga suspek ay nasa hurisdiksyon na ng kapulisan.
Facebook Conversations