NEA, bumuo ng Internal Transition Committee para sa bagong administrasyon
NEA, bumuo ng Internal Transition Committee para sa bagong administrasyon
Isang Internal Transition Committee (ITC)ang binuo ng National Electrification Administration (NEA) para sa maayos na paglipat ng pamamahala sa susunod na Administrasyon.

Batay sa ulat, ang nilikhang  ITC ay  pinamumunuan  ni NEA Administrator Emmanuel  Juaneza kasama si Deputy Administrator Rossan  Rosero-Lee at tatlo pang ibang opisyal sa kagawaran.

Ito ang naging Tugon ng NEA matapos inutos ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa mga departmento ng pamahalaan, mga ahensiya, at kawanihan na bumuo ng Internal Transition Committees.

Pangangasiwaan ng ITC ang pagbalangkas at pagpapatupad ng mga sistema at pamamaraan para sa transition.

Kabilang din sa magiging trabaho nito ay titiyakin ang patuloy na operasyon ng mga Departamento at Opisina ng NEA sa panahon ng transition.

What's your reaction?

Facebook Conversations