Moratorium sa Nursing Course, tinanggal na ng CHED
Moratorium sa Nursing Course, tinanggal  na ng CHED
Muling pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng mga Public and Private Institutions na magbukas na ng mga nursing course.

Sa press conference ng CHED, sinabi ni Chairman Prospero de Vera na ang kanilang desisyon ay dahil na rin sa ginawang en banc session ng Komisyon. 

Matatandaan noong 2011, ipinagbawal  ng CHED sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Private Schools ang pag-offer ng nursing course dahil sa dami ng graduate na walang trabaho. 

Maging ang Philippine Nursing Association (PNA) ay nagsabi noon na pansamantalang magpatupad ng Nursing Course sa mga Kolehiyo dahil tambak ang mga nagtapos subalit walang mapasukan na ospital. 

Subalit noong dumating ang  pandemya, kinapos ng mga nurses ang Pilipinas bukod pa sa dami ng mga bansa sa mundo na kumuha ng mga Filipino nurses. 

Sa katunayan, nagpatupad ng ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon kung saan walang pinayagan na Pinoy Nurses  ang magtatrabaho sa ibang bansa ngunit pagkalipas nb ilang buwan ay pinayagan na rin. 

Sa kasalukuyan, anim na rehiyon sa bansa ang may urgent na pangangailangan ng nursing course tulad ng MIMAROPA, Eastern Visayas, CARAGA, BARMM, CAR, at SOCSARGEN. 

Malaki din ang pangangailangan ng mga nurses sa CALABARZON, Western Visayas, Bicol Region, Davao Region, Cagayan Valley, at Central Luzon. 

Dahil sa bagong kautusan ng CHED, maaari ng tumanggap simula bukas ng mga enrollees ang mga pribado at pampublikong paaralan.

What's your reaction?

Facebook Conversations