
639
views
views
Nakatutok ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyong pangseguridad sa Sri Lanka bunsod ng umiinit na tensyon sa nasabing bansa.
Ito ang pagtitiyak ng DFA makaraang itaas nito sa Alert Level 2 o ang restriction phase sa lugar kung saan, suspendido ang pagpapadala ng mga Pinoy sa nabanggit na bansa.
Sa ilalim din ng Alert Level 2, ayon sa DFA maaaring maka-uwi ng bansa ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na mayroon lamang exit employment contract o tapos na ang kontrata.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Dhaka, wala pa namang napapaulat na mga Pinoy na nasugatan sa mga pinakahuling gulo
Tiniyak din ng Philippine Honorary Consul General sa Colombo na handa silang magkaloob ng tulong partikular na sa mga apektadong Pinoy.
Wala namang planong magpatupad ang DFA ng evacuation ng mga Pilipino sa Sri Lanka.

Facebook Conversations