Localized Peacetalks sa CPP-NPA, itutuloy ng gobyerno:Galvez
Localized Peacetalks sa CPP-NPA, itutuloy ng gobyerno:Galvez
Giniit ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unification (OPAPRU) na ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang localized peacetalks sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang naging tugon ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez ng tanungin kung babalik pa ba sa hapag ng negosasyon ang National Government at ang Central Committee sa pamumuno ni Jose Ma. Sison 

Sinabi ng kalihim, nasubukan nang mas epektibo ang localized peacetalks na nagresulta sa pagbaba at pagsuko ng mga front commander gayundin ng mga tauhan nito 

Anya, 50 taon na aniya ang nakalipas buhat nang simulan ang negosasyon sa mga komunista subalit nauuwi lamang ito sa muling pagpapalakas ng kanilang puwersa at pag-atake sa mga tauhan ng estado.

Sinabi naman  ni National Security Adviser Secretary Clarita Carlos na gumagana pa din  ang mga binuong Peace Council at ipinauubaya na nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  kung muling bubuhayin ang usapang pangkapayapaan  sa National level.

What's your reaction?

Facebook Conversations