views
Sa isang resolusyon ng Comelec, ibinasura ng Comelec en banc ang Motion for Reconsideration na inihain ni Mangudadatu, ukol sa naunang desisyon ng Comelec 1st Division na nagka-kansela sa kanyang kandidatura sa May 9 Elections.
Matatandaan na dalawang petisyon ang nauna inihain laban kay Mangudadatu dahil umano sa "false representation" sa kanyang certificate of candidacy (COC) na residente umano ito ng Sultan Kudarat sa loob ng isang taon at 8-buwan bago ang halalan.
Ayon sa poll body, walang matibay na batayan ang mosyon ni Mangudadatu, para mabaligtad ang desisyon ng Comelec 1st Division na nagkansela sa kanyang kandidatura.
Giit ng Comelec, ang pagiging Alkalde ni Mangudadatu sa isang bayan ng Maguindanao ay nangangahulugang kailangan itong maninirahan, pinaglilingkuran nyang lugar hanggang sa matapos ang kanyang termino.
Facebook Conversations