Hiling na maayos na bahay, binigyang katuparan ng Davao City R-PSB
Hiling na maayos na bahay, binigyang katuparan ng Davao City R-PSB
Nagsagawa ng Bayanihan ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Baragay (R-PSB) para sa magiging tirahan ni Tatay Pablo Manunggaling sa Purok 7-B, Barangay Carmen, Baguio District, Davao City nito lamang Mayo 15, 2022.

Naisakatuparan ang pagtatayo ng bahay ni Tatay Pablo dahil sa naging kahilingan ng isang concerned citizen sa nasabing lugar na si  Ginang Virginia Toong.

Kaagad namang umaksyon ang R-PSB Cluster 5 ng Davao City Police Office sa kahilingan ni Ginang Virginia.

Sa pangunguna ni Police Lieutenant Rizalito L Clapiz III at sa pangangasiwa ni Lieutenant Colonel Nolan R Raquid, R-PSB Overall Coordinator naisakatuparan ang pangarap ni Ginang Virginia para kay Tatay Pablo.

Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Tatay Pablo sa ibinigay na tulong ng mga tauhan R-PSB Cluster 5 dahil sa wakas ay magkakaroon na ito ng sariling tirahan.

Ang nabanggit na inisyatiba ng R-PSB Davao City at pagtupad na rin sa kahilingan ng isang indibidwal  ay bilang pagtugon sa nakasaad sa Executive Order No. 70 National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng administrasyong Duterte.

Larawan mula sa Davao City Police Office

What's your reaction?

Facebook Conversations