Higit 25,000 barangays sa buong bansa, naideklarang drug-free
Higit 25,000 barangays sa buong bansa, naideklarang drug-free
Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may 25,061 mula sa kabuuang 42,045 barangays sa buong bansa ang naideklara nang drug-free.

Batay sa tala ng PDEA, sa nabanggit  na bilang,10,410 pa ang hindi nalinis sa ilegal na droga.

Sa operasyon ng PDEA, nasa  6,248 drug suspects ang nasawi  sa giyera laban sa illegal drugs ng pamahalaan mula 2016 hanggang April 30 ngayong taon.

Kabuuang   341,494 ang bilang ng naaresto sa  236,620 drug war operations mula ng magsimula si Pangulong Duterte sa kanyang panunungkulan .

Sa nasabing bilang, 15,096 drug suspects ang itinuturing na  high-value targets.

Samantala, pumalo na sa P89.21 billion ang halaga ng ilegal na droga  ang nakumpiska ng PDEA.

What's your reaction?

Facebook Conversations