Gobernador ng Albay, tinanggal sa pwesto ng Comelec
Gobernador ng Albay, tinanggal sa pwesto ng Comelec
Tanggal sa pwesto ang kasalukuyang gobernador ng Albay na si Noel Rosal matapos mapatunayan ng First Division ng Commission on Election (Comelec) na ginamit nito ang pondo ng gobyerno sa panahon ng kampanya.

Batay ss desisyon na inilabas Lunes  ng hapon (Setyembre 19) idineklarang disqualified si Rosal matapos isampa ang reklamo laban sa kanya. 

Si Rosal ay incumbent Mayor ng Legazpi City Albay bago nanalong gobernador nitong nakaraang Mayo 2022 na halalan.

Nag-ugat ang kaso ni Rosal matapos naghain ng reklamo ang isang Joseph San Juan Armogila na ayon sa kanya namahagi umano si Rosal ng cash assistance sa mga tricycle drivers noong buwan ng Abril kung saan kasagsagan ng kampanya at siya ay kandidato noon bilang gobernador. 

Sa naging hatol ng Comelec First Division, pasok sa 45 days election spending ban ang ginawa ng gobernador kung kayat hindi dapat ito karapat-dapat na mahalal bilang pinuno ng Albay.

Samantala, batay sa pahayag ni Rosal, sinabi nito na hindi pa umano final at executory ang resolusyon  ng First Divisionng Comelec. 

Ayon kay Rosal, mayroon pa itong limang araw o hanggang Setyembre 24 upang makapag-file sila ng motion for reconsideration (MR) sa Commission En Banc.

“I WILL CONTINUE TO FUNCTION AS YOUR GOVERNOR UNTIL THE COURT ORDERS WITH FINALITY AND EXECUTORY TO VACATE THE POSITION,” ayon sa gobernador.

Albay Governor Noel Rosal

What's your reaction?

Facebook Conversations