
937
views
views
Umabot sa mahigit P200 million ang naging gastos ni vice-president elect Sara Duterte sa kanyang kampanya nitong Mayo 9 na national at local elections.
Sa inihain nitong statement of contributions and expenditures (SOCE) ngayong Miyerkules (Hunyo 8), nakasaad na nakatanggap ito ng kabuuang P216, 190, 935.06 na contributions.
P79, 581, 690.15 ang natanggap nitong in-kind contributions habang ang P136,609,244.91 ay nagmula sa political party nito na LAKAS-CMD.
Ang buong halaga na ito ay nagamit at idineklara ng bise-presidente bilang expenditure.
Batay sa nakasaad sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec), Hunyo 8 ang deadline ng pagsusumite ng SOCE ng mga nanalo at maging natalong kandidato noong nakaraang halalan.

Facebook Conversations