views
Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan na wala pang Suggested Retail Price (SRP) ang nasabing item kayat bawal itong ibenta, sa tindahan man o sa pamamagitan ng online selling.
Kinumpirma ng opisyal na pinag-aralan na ito ng FDA na siyang sumusuri sa mga nag a-.apply ng certificate of product registration.
Ayon kay Cabochan na magkasama ang DTI at DOH na nag-iinspeksyon sa mga online sellers at may team na nakatutok para dito.
Binalaan din ng DTI ang mga ospital at laboratoryo na nagsasagawa ng RT- PCR test na sumisingil ng lampas sa itinakdang SRP na maaari itong maparusahan kapag napatunyang nag o - overprice.
Samantala, inamin ni Testing czar at Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi kakayanin ng resources ng pamahalaan na magsagawa ng malawakan at libreng mass testing.
Ayon sa kanya, impraktikal na itoy gawin at hindi kailanman maaaring maging polisiya ito ng pamahalaan.
Ito ang binigyang diin ni Dizon sa gitna ng hirit ng ibang mamababatas na dapat ikasa ang free mass testing.
Halimbawa na lang ayon kay Dizon, may 100,000 katao kada araw na sasalang sa COVID-19 test at ilagay sa P2,000 ang halaga ng bawat isa, lalabas na gugugol ang gobyerno ng P200 million kada araw.
Lalabas na sa loob ng sampung araw, aabot sa P2 billion ang gagastusin ng gobyerno sa libre at malawakang swab test.
Ang ipinatutupad ng pamahalaan, ayon kay Dizon ay risk-based testing na kung saan prayoridad ang mga seniors, mga may sakit, at mga may indibidwal na may sintomas.
Secretary Vince Dizon. Larawan mula sa Philippine News Agency
Facebook Conversations