
702
views
views
Pabor ang 180 na mambabatas na bumoto para sa pagpapatibay ng house bill 10802 na layong magpapalawak sa saklaw ng compulsory insurance para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ang house bill 10802, ay mag-aamyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 (RA 8042).
Sa nasabing panukala, mandatory na ang insurance coverage ng lahat ng mga OFW, mapa-agency-hired man, rehire, direct-hire, at government-hire.
Nakapaloob din sa benepisyo na matatanggap ng isang OFW sa ilalim ng panukalang ito ang ‘temporary partial disablement.’
Ang Insurance Commission, Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, at National Labor Relations, ang siyang inatasan na pag-aralan ang pagsasama sa repatriation benefit ng mga umuwi o pina-uwing OFW dahil sa pandemya, gyera, civil unrest, sakuna, at kalamidad maging ito man ay natural o gawa ng tao.

Facebook Conversations