520
views
views
Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec)-Central Office na nakatanggap ito ng 223 aplikasyon ng exemption sa gun ban para sa darating na halalan ngayong Mayo 2022.
Batay sa datos, sinabi ng Comelec na 127 mula sa 223 aplikasyon ay galing sa security detail; 53 sa security agencies; 21 sa law enforcement agencies; at 10 sa high-risk individuals.
Mayroon ding 10 personnel na humihingi ng ‘authority and accreditation’ para sa transportasyon ng firearms at ibang controlled chemicals; at dalawa naman sa cashiers at disbursing officers.
Ayon sa Comelec, mula sa nabanggit na bilang ng aplikasyon, nasa 38 lamang ang kanilang naaprubahan at 74 ang hindi napaburan.
Simula Enero 8 nitong taon, nag-umpisang ipinatupad ang election gun ban kasabay ang pagsimula sa election period.
Facebook Conversations