Chinese Embassy, nag-donate ng 13 school buildings sa Davao City
Chinese Embassy, nag-donate ng 13 school buildings sa Davao City
Batay sa pahayag ng Chinese Embassy to the Philippines, nagkaloob ito ng labintatlong school buildings sa Davao City para mabigyan ng magandang learning environment ang mga mag-aaral.

Nagkakahalaga ng P150 million ang nasabing donasyon na pormal na naipaabot ni Chinese Ambassador Huang Xilian kay Davao City Mayor-elect Sebastian Duterte.

Sinabi ni Huang, bilang mabuting kaibigan at katuwang ng Pilipinas ay nakahanda silang makipagtulungan kay Vice-President-elect Sara Duterte at sa susunod na pinuno ng Davao upang magkaroon ng kontribusyon sa pagbangon ng ekonomiya at kabuhayan sa lungsod.

Sa pakikipagpulong naman ng Chinese top diplomat kay VP-elect Sara ay tinalakay nito ang mga hakbang na lalong magpapatibay sa pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Ipinaalam din nito sa susunod na bise-presidente ang progreso ng konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector project na sinuportahan ng Chinese concessional loan na nagkakahalaga ng 350 million US Dollars.

Courtesy call ng Chinese Ambassador Huang Xilian kay outgoing Davao City Mayor at Vice President -elect Sara Duterte noong Hunyo 18. Larawan mula sa City Government of Davao

What's your reaction?

Facebook Conversations