
views
Magsisilbing national board of canvassers (NBOC)- Congress ang dalawang kapulungan na siyang magbibilang sa boto at magpo-proklama ng nanalong president at bise-presidente.
Ani Velasco, batay sa napagkasunduan ng dalawang kapulungan ng kongreso, Mayo-27 ay maipo-proklama na nila ang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.
Ayon sa Marinduque solon, tuloy ang canvassing kahit pa may nakabinbin na disqualification case si dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema.
Tungkulin aniya ito kongreso batay sa nakapaloob sa mandato ng Konstitusyon at walang nakasaad dito na sususpindihin ang kanilang katungkulang magbilang ng boto dahil sa nakabiting kaso.
Batay sa nakasaad sa rules, bubuksan ng Senate President na isa satumatayong chairpersons ng NBOC-Congress, ang mga balota batay sa pagkakasunod-sunod ng pagdating nito.
Ang joint committee rin ang magdedesisyon sa lahat ng tanong at issue sa COC sa pamamagian ng majority vote na hiwalay na pagbobotohan ng bawat panel.
Sa oras na matapos ang canvassing, magpapalabas ng isang joint committee report na aaprubahan at lalagdaan ng majority ng miyembro ng nasabing komite.
Ang naturang report ay isusumite sa joint public session kung saan mayorya ng senador at kongresista sa pamamagitan ng hiwalay na pag-boto ay pagtitibayin ito sa isang resolusyon.
Kapwa ipo-proklama ng house speaker at senate president ang President-elect at Vice President-elect sa oras na i-adopt ng NBOC ang resolusyon.

Facebook Conversations