
759
views
views
Malaki ang tiwala ng Chinese Ambassador Huang Xilian na sa ilalim ng susunod na administrasyon ay lalong titibay ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Nauna ng nagpaabot ng kanyang pagbati si Huang kina presumptive president Bongbong Marcos at vice-president Sara Duterte.
Ayon kay Huang, sa isang opisyal nga pahayag na kumpiyansa siyang maipapamalas ng mga susunod na leader ang pagkakaisa tungo sa pagbangon mula sa hamon ng COVID-19 pandemic at iba pang suliranin.
Anya, mas malapit at lalalim aniya ang kooperasyon ng mamamayan.
Umaasa ang opisyal na tatatag ang Relationship of Comprehensive Strategic Cooperation ng Pilipinas at China na tiyak na mapakikinabangan ng taumbayan.

Facebook Conversations