views
Ito ay batay sa Calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Carlos, istriktong babantayan ng mga pulis ang mga aktibidad sa mga pampublikong lugar sa nabanggit na mga araw.
Kabilang na umano dito ang aktibidad ng mga politiko o kanilang mga supporters at sinabi ng opisyal na ang mahuhuling lumabag ay kanilang ire-report sa Comelec.
Ang paalala ay ginawa ni Carlos kasabay na rin ng paghahanda ng pambansang pulisya para sa darating na semana Santa.
Nauna nang iniutos ng PNP chief sa lahat ng field commanders nito na siguraduhin ang police visibility at magtatag ng mga police assistance centers sa mga lugar na tradisyunal na dinadayo ng mga tao sa panahon ng semana santa.
Partikular na tinukoy ni Carlos ang mga transportation hubs at mga major highways patungo sa ibat-ibang lalawigan.
Facebook Conversations