
807
views
views
Naka-half-mast ang bandila sa Japanese Embassy na matatagpuan sa Roxas Boulevard sa Maynila bilang pagpupugay sa pagkamatay ng kanilang dating Prime Minister Shinzo Abe.
Noong Biyernes (Hulyo 8) pa ng gabi ilagay sa half-mast ang kanilang bandila matapos ang assassination sa dating Punong Ministro.
Wala pa namang abiso ang Japanese Embassy kung magbubukas ito bukas, araw ng Lunes.
Si Abe ay binaril habang siya ay nagsasalita sa isang campaign rally sa Nara City, Japan noong Byernes ng hapon.
Matagal na naging bahagi ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at Japan ang dating Prime Minister sa ilalim ng mga nagdaang Administrasyon nina Pangulong Gloria Arroyo, Noynoy Aquino, at Rodrigo Duterte.

Facebook Conversations