Azurin, pinatitiyak na walang hazing sa pagbuhay ng ROTC
Azurin, pinatitiyak na walang hazing sa pagbuhay ng ROTC
Giniit ng hepe ng pambansang pulisya General Rodolfo Azurin Jr. na magpatupad ng mga “safeguards” para maiwasan ang “hazing” kung bubuhayin muli ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ito ang pahayag ni Azurin kaugnay ng isinagawang exploratory Talks sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at Armed Forces of Philippines (AFP) bilang paghahanda sa pagbuhay ng ROTC. 

Sinabi ng opisyal na ang pagkamatay ng isang ROTC cadet ang isa sa mga dahilan kung bakit ginawa na lang  “optional” ang ROTC para sa mga estudyante sa kolehiyo. 

Kung maalala namatay ang kadeteng si Mark Chua dahil sa hazing noong 2001 na siyang  nagtulak sa pagpasa ng Republic Act 9163 o the "National Service Training Program Law, kung saan hindi na requirement ang ROTC para makapag-tapos ng kolehiyo. 

Naniniwala si Azurin na maganda ang layunin ng pagbuhay ng ROTC dahil magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maranasang maging bahagi ng isang samahan na humuhubog ng disiplina ng bawat Pilipino. 

Subalit, ayon sa opisyal kailangan din aniya na sa pagbuhay ng ROTC, ay may mekanismo para masiguro ang kaligtasan ng mga kadete.

File photo from The Collegiate Headlight

What's your reaction?

Facebook Conversations