932 barangays sa buong bansa, ASF-free na: DA
932 barangays sa buong bansa,  ASF-free na: DA
Kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary William Dar na nasa 932 barangay na sa buong bansa ay ideneklarang ng African Swine Fever (ASF)-free.

Ayon kay sa kalihim, nagpapatuloy ngayon  ang pagsisikap ng mga eksperto upang tapusin ang isinasagawang clinical trial sa bakuna na siyang susi sa pagpigil ng pagkalat ng ASF sa mga baboy sa bansa.

Binanggit ng kalihim sa isang virtual briefing na lalabas na sa katapusan ng Hunyo ang second phase ng trial para sa nasabing bakuna kontra ASF na gawa sa Thailand.

Ayon sa opisyal, kung magiging katulad ng Phase 1 ang resultang paparating, imumungkahi ng departamento  ang malawakang pagbabakuna nito sa mga alagang baboy sa buong bansa.

Dagdag ng kalihim, maaaring sa 2023 o 2024 ay handa na ang mga locally-developed ASF vaccine gayundin ang mga test kits.

File Photo mula ng mga hog farmers

What's your reaction?

Facebook Conversations