7 sundalo sugatan matapos masabugan ng anti-personnel mines sa Northern Samar
7 sundalo sugatan matapos masabugan ng anti-personnel mines sa Northern Samar
Pitong sundalo sugatan matapos na pasabugan ng Anti-personnel mine ng mga teroristang komunistang New People’s Army (NPA) sa Barangay Magsaysay, Mapanas, Northern Samar alas 6:15 Martes ng umaga (Hulyo 5).

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 8  Director Police Brigadier  General Bernard Banac na nakarating sa Camp Crame,ang mga sugatang sundalo ay kabilang sa community Support program team (CSPT) ng Philippine Army. 

Batay sa ulat, ginawa ng NPA  ang pagpapasabog ng anti-personnel mine matapos maka-enkwentro ng mga sundalo ang hindi madeterminang bilang ng kalaban. 

Ayon kay Banac, agad na nagdispatsa ng 2 ambulansya ang PNP para tumulong sa pag-evacuate ng mga sugatang sundalo. 

Samantala, kakasuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang National Democratic Front (NDF) sa ginawang pagpapasabog ng Anti-personnel mine ng New People’s Army (NPA) na ikinasugat ng pitong sundalo.

Ayon kay Philippine Army 8th Infantry Division Commander Major General Edgardo de Leon, sa pakikipagnegosasyon sa gobyerno, ang NDF ang tumatayong representante ng NPA, kaya pananagutan nila ang anumang ilegal na aktibidad ng NPA. 

Ani De Leon, ang paggamit ng Anti-personnel mines ay ipinagbabawal ng IHL, pero hindi naman aniya pinipigilan ng NDF ang NPA sa pag-gawa, pag-iimbak, at paggamit ng Anti-personnel mines. 

Ayon kay De Leon, inilatag ng NPA ang Anti-personnel mine sa “trail” na dinadaanan ng mga sibilyan at pinasabog ito habang dumadaan ang mga sundalo sa lugar.

Sample ng Anti-personnel mines. Larawan mula kay Captain Layug, tagapagsalita ng 8th ID

What's your reaction?

Facebook Conversations