5 miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko
5 miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko
Boluntaryong sumuko sa kasundaluhan ang 5 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Iprinisinta kay Major General Ignatius Patrimonio, Commander ng Joint Task Force Sulu sa 45th Infantry Battalion headquarters sa Barangay Tugas, Patikul, Sulu ang limang sumuko.

Kinilala ang mga sumurender na sina Bennajir, 24-anyos, dating tauhan ni Hajan Sawadjaan at Mudsrimar Sawadjaan; Monib, 24, sinasabing dating tauhan ni Basaron Arok at Radullan Sahiron; Abdurahsi, 48, dating tauhan ni Abdul Moin Sahiron; Rudy, 36, miyembro ng grupo ni Abdul Moin Sahiron; Sattari, 33, na dati ding  tauhan ni Salip Salamuddin. 

Naging matagumpay ang pagsuko ng mga ASG members dahil sa tulong ng 45th Infantry Battalion sa ilalim ng 1103rd Infantry Brigade, kapulisan at lokal na pamahalaan. 

Kanila ding isinuko ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng  isang M16A1 rifle, 2 M1 Garand rifles, at isang caliber 45 pistol. 

Umabot na sa 44 ang mga miyembro  ng ASG na sumuko  sa iba’t ibang Units ng JTF Sulu sa unang bahagi ng taon.

Larawan mula sa WestMinCom

What's your reaction?

Facebook Conversations