
883
views
views
Pinangalanan ni President elect Bongbong Marcos ang apat pang maging bahagi ng kanyang gabinete.
Kinumpirma ni Marcos sa press briefing adlawng Huwebes ang pagkatalaga sa kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno bilang kalihim ng Department of Finance.
Pupunan naman ni dating National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Felipe Medalla ang di pa natapos na termino ni Diokno.
Habang si Skyway Corporation president-CEO Engineer Manny Bonoan naman ang susunod na magiging kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Si Fred Pascual ang mamuno ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Marcos, Hulyo uno, isang araw matapos ang opisyal na pag-upo sa pwesto, agad aniya silang magsasagawa ng unang cabinet meeting.

Facebook Conversations