3 sibilyan sugatan sa sunog ng kampo ng militar sa Cagayan de Oro City
3 sibilyan sugatan sa sunog ng kampo ng militar sa Cagayan de Oro City
3 sibilyan ang sugatan sa sunog na nangyari Martes ng madaling na araw (Hulyo 12) sa imbakan ng Armas ng Philippine Army sa Ammunition Complex, Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Sa pahayag ni Major Franciso Garello Jr, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, natamaan ng shrapnel ang 3 sibilyan. 

Anya, minor  injuries lang umano ang natamo ng mga ito, at dinala kaagad sa Camp Evangelista Station Hospital para gamutin. 

 Pasado alas-12 ng hatinggabi ng magsimula ang sunog at naapula naman ito matapos ang halos tatlong oras o alas 3:10 kaninang madaling araw.

Napag-alaman mula kay Garello na nagkaroon  ng serye ng mga malalakas na pagsabog na mula sa mga nakaimbak na armas at mga bala ang nangyaring sunog.

Temporaryong inilikas ang lahat ng military personnel sa lugar para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, magsasagawa ng internal investigation ang Philippine Army sa naganap sa sunog upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap. 

Siniguro Philippine Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad na makikipag-cooperate ang Philippine Army sa Bureau of Fire protection sa pagtukoy ng naging sanhi ng sunog. 

Sa ngayon, naghihintay lang aniya ng “cooling off period” ang Explosive and Ordinance Disposal (EOD) experts ng Army bilang pag-ingat sa residual explosion, bago magsimula ng imbestigasyon. 

Siniguro din ng opisyal ang tulong ng militar sa mga naapektohan ng insidente. 

May  49 na pamilya na binubuo ng 233 indibidwal  na nakatira malapit sa ammunition complex ang pansamantalang inilikas sa 4ID gymnasium at Brgy. Patag covered court.

Larawan mula kay Juanderful Kagayan

What's your reaction?

Facebook Conversations