views
Inalmahan ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan (SAMBAYANAN), samahan ng mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang pagtapyas ng Senado sa budget para sa Barangay Development Program (BDP) sa ilalim ng National Task Force on Ending Local Communism and Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa inilabas nitong pahayag, sinabi ng grupo na malaki ang naitulong ng BDP para matugunan ang ugat ng problema sa kabundukan gaya ng mga inprastraktura at iba pang pangunahing serbisyo ng pamahalaan na hindi naabot nitong mga nagdaang mga taon.
Ayon sa nasabing grupo na bagama't naiintindihan nila ang rason ng Senado na dapat unahin muna ang pagtugon sa COVID-19 pandemic pero mas kailangan di naman na mapanatili ang kaayusan ngayon sa kabundukan na sobra limang dekada ng ginugulo ng mga NPA na ang iba ay humahantong pa sa pagbubuwis ng buhay.
Dagdag nito, hindi rin patas na sa alegasyon lang ng redtagging tinututukan ng mga mambabatas ang performance ng NTF-ELCAC.
Sinabi ng grupo na mas nadama ng mga tao ang serbisyo ng gobyerno dahil sa tulong-tulong na ginawa ng bawat ahensya ng pamahalaan. (By Armando Fenequito)
Facebook Conversations