PNP, tuloy-tuloy na naka-heightened alert hanggang Undas
PNP,  tuloy-tuloy na naka-heightened alert hanggang Undas
Ipinatupad na ng pambansang pulisya ang heightened alert status para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre 30.

Ayon kay PNP deputy chief for operations Police Lieutenant General Michael John Dubria mananatili ang naturang alert status ng PNP hanggang Undas, kung saan magiging abala naman ang publiko sa pagdalaw sa sementeryo at  pagbiyahe sa long weekend. 

Iniulat din ni Dubria sa press conference sa Camp Crame noong Lunes na nakapagsagawa na ang pulisya ng 251,592 checkpoint operations mula nang magsimula ang election period noong Agosto 28.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ng pulisya ang 1,103 baril sa buong bansa habang nahuli ang 1,479 indibidwal dahil sa paglabag sa Gun ban. 

Nakapagtala din ang PNP ng 995 baril na isinuko sa pulisya at 1,905 baril ang idineposito naman para sa safekeeping.

What's your reaction?

Facebook Conversations