views
Plano ng Philippine Airlines na magdagdag ng international flights simula ngayong Nobyembre habang papalapit ang kapaskuhan.
Ito ay matapos itaas ng transport authorities ang arrival cap sa apat na libong pasahero kada araw sa Ninoy Aquino International Airport.
Pinayagan din ng gobyerno ang paggamit sa Cebu, Davao, Subic at iba pang paliparan upang tulungan ang mas maraming overseas Filipino workers na makauwi para magdiwang ng Pasko.
Pinasalamatan ni PAL SVP and Chief Strategy and Planning Officer Dexter Lee ang Department of Transportation dahil sa pagbubukas ng regional gateways at pag-accommodate ng mas maraming international passengers na darating.
Magdadagdag ng flights ang flag carrier mula sa Middle East, Estados Unidos, Australia at ilang bansa sa Asya para mapagsilbihan ang mga Pilipino abroad.
Ngayong dumarami ang gateways ay magpapatupad ng rerouting ang airline company sa mga flight upang suportahan ang pagbangon ng lokal na ekonomiya.
Nakikipag-ugnayan naman ito sa DOTr para gamitin ang paliparan sa Subic, Laoag at Panglao sa Bohol.
Facebook Conversations